Martes, Hulyo 29, 2014

Mga Sinaunang Kabihasnan

Ang sinaunang mga kabihasnan o matatandang mga kabihasnan ay mga kauna-unahang pang mga kabihasnang o mga sibilisasyon noong unang panahon na naitatag ng mga tao. Kabilang sa mga ito ang sibilisasyon ng mga Sumeryo sa Mesopotamya, ng mga Akadyano, ng mga Asiryo, ng mga Babilonyo, ng sinaunang Ehipto, ng sinaunang Indiya, ng Lambak ng Indus, ng sinaunang Tsina, ng sinaunang Persiya, ng sinaunang Gresya o kabihasnang Heleniko, ng kabihasnang Helenistiko (kasama ang ng mga Penisyo, ng sinaunang mga Romano, ng mga Kelto, ng mga Dasyano, ng mga Ebreo, ng mga Trasyano, ng mga Minoe), ang mga kabihasnang pre-Kolumbyano (kasama ang sa mga Olmek, mga Maya, mga Sapoteka, mga Inka, mga Toltek, at mga Asteka).

"Kabihasnan sa Mesopotamia"

 – Nagmula sa mga salitang Griyego na “meso” na ang ibig sabihin ay “pagitan” at “potamos” o “ilog.” Sa makatuwid, ang Mesopotamia ay literal na nangangahulugang lupain “sa pagitan ng mga ilog.”  Ang Mesopotamia ang itinuturing na lunduyan ng kabihasnan (cradle of civilizations).  Mahalaga ang Mesopotamia sa kasaysayan ng daigdig sa kadahilanang ang lugar na ito ay pinamalagian at sinakop ng ilang matatandang kabihasnan.

Sumerian

- Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga [amayanang malapit sa ilog ay bumuo ng 12 lungsod/estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari.
- Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong tinatawag na ziggurat.
- Ang ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga patron o diyos ng isang lungsod. Samakatuwid, ang mga pari lang ang maaring pumasok dito.
- Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng isang tao (anthropomorphic).
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsusulat. Ito’y tinatawag na cuneiform na ibig sabihin ay wedge-shaped.
- Clay table at stylus ang kanilang ginagamit sa pagsulat.
- Mayroon din silang sasakyan na tinatawag na chariot.
- Nalikha nila ang gulong at araro.
- Mga tanim nila: barley, chickpeas, lentils, millet, wheat, dates, lettuce, leeks, singkamas, mustasa, sibuyas at bawang.

Mga Unang Imperyo

Akkadian
- Ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimula muling isulong ang kanilang pagiging Malaya.
- Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur sa Ilalim ni Ur Nammu, ang lungsod na ito naging kabisera ng isang imperyo na kumalaban sa Akkadian.
- 2100 b.c.e – panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito pinamunuan amg sumer at akkad, at nagpatayo rin ng ziggurat si Ur Nammu sa Ur.
- Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni ur nammu na si ibbi-su ang ur ay bumagsak sa pagdating ng mga Amorite at hurrian sa Mesopotamia.



Babylonian
- Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop ng Mesopotamia at paghahari ni Hammurabi mula 1792 hanggang 1750 b.c.e.
- Ang Babylon ang naging kabisera ng imperyong babylonia.

Hammurabi`s Code
-Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang code of Hammurabi o batas ni Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.
-Noong 1595 b.c.e,  sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay  sila at nakuha nila ang estatwa ni marduk, ang patron ng Babylon.
-Pinaniniwalaang ang mga kassite na naghari sa Babylon at ang kaharian ng hurrian sa mittani sa hilaga ang namayani sa Mesopotamia.
-Ang mga kassite at hurrian ay mula sa mga tala ng new kingdom sa Egypt at Hittite sa kanluran. -Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-silangan bahagi ng black sea.

Assyrian
- Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyon nasa hilaga ng babylonia.
- Ang rehiyong ito ay nagmula sa Tigris at umaabot hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia.
- Shamshi-Addad I (18138 B.C.E – 1781 B.C.E) – napasakamay niya ang Ashur ang unang kabisera ng Assyria.
Ng pumanaw si Shamshi-Addad I:- Nagsimulang bumagsak ang imperyo
- Ang hilagang bahagi ng Ashur ay naging bukas sa pananalakay
- 1120 B.C.E – Tiglath-Piliser I kinilala siyang pinakamahusay na hari sa Assyria, ay nagawang supilin ng mga Hittite at maabot baybayin ng Mediterranean. Siya ang tinuturing na tagapagtatag ng imperyong Assyrian.
 - Ashurnasirpal II: isa siya sa mahalagang pinuna ng Assyria  na nagpadala ng mga mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng tribo mula sa mahihinang estado.
- 745 B.C.E , napasakamay ni Tiglath-Piliser III ang kapangyarihan at isinailalim ang iba pang mga estado sa isang imperyo.
- Pinalawig pa ng mga haring Assyrian ang imperyo na umabot mula sa iran hanggang Egypt. Kabilang ditto ang haring sina sennacherib at essarhaddon. 
-Sa pagkamatay ni Essarhaddon noong 668 B.C.E, siya ay hinalilihan ng kaniyang anak si Ashurbanipal na kinakitaan din ng maayos na pamamahala.

Chaldeans
- Ang Chaldean ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at kanang pampang sa Euphrates River.
- 612 B.C.E- Panibagong imperyo ang tinatag at pinamunuan ito ng isang hari mula sa Chaldean si Nabopolassar 
- 625 B.C.E- Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa imperyo ng Assyrian na siyang kumokontrol sa Babylon sa loob ng halos dalawang siglo.
- 627 B.C.E- dalawangpung taon matapos ang pagkamatay ni Ashurbanipal ang Assyria ay muling nasadlak sa tunggalian at pagkawasak.
- 614 B.C.E- isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang sumalakay sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng Ashur.  
- 621 B.C.E – Nasakop ng magkatuwang pwersa ni Cyaxares at Nabopolassar, ang hari ng Babylon, ang lungsod ng niniveh.
-609 B.C.E – tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng Assyrian sa ilalim ni Nebuchadnezzar II anak ni Nobopolassar.
- 610 B.C.E. – 605 B.C.E – nakipagtunggali si Nobopolassar sa Egypt.
-Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II, natamo ng babylonia ang rurok ng kadakilaan. Ang Babylon ay naging isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig sa kanyang panahon.
- Hanging Garden of Babylon – ipinagawa ni Nebuchadnezzar II para sa kanyang asawa, kinikilala ng mga greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
PAGBAGSAK: Ang 60 taong pamamayani ng Babylonia ay muling nasadlak sa panganib sa panahon ni Nabonidus nang masaksihan ng Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa silangan, ang mga Persian
539 B.C.E – ang hukbo ni Cyrus the Great ng Persia ay nilusob ang Babylon.
- Napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang lungsod, kabilang na ang buong imperyo. Ang Mesopotamia ay tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian na umabot sa Egypt hanggang India. Sa pagusbong ng sibilisasyong Greek at ang pagbagsak ng imperyo ng Persia sa mga kamay ng hari ng Macedonia na si Alexander The Great.

Cuneiform
- Ang kuneiporme (Ingles: cuneiform; Kastila: cuneiforme) ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. Sa simula, mga marka lamang itong makikita sa pagdiin sa mga luwad na tableta. Gumagamit ang mga eskriba (scribe; tagasulat sa templo) ng isang maliit na patpat na tinatawag na stylus. Hango ang cuneiform sa salitang Latin na cunneus o ang kombinasyon ng mga wedge na ginagamit na tanda nito. Hindi sa papel sumusulat ang mga Sumerian kundi sa tabletang luwad na ginagamitan ng stylus habang malambot. Pagkatapos, pinatutuyo ito sa araw hanggang sa tumigas.



"Kabihasnan sa Egypt"
- Natatangi nag lokasyon ng Egypt sapagkat napalilibutan ito nga mga disyerto.Matatagpuan sa silangang hangganan ng Egypt ang Disyerto ng Sinai, sa Timog naman ang Disyerto ng Nubai, at sa kanluran ay ang malawak na Disyerto ng Sahara. Sa gitna dumadaloy ang Ilog NIle at sa magkabilang pampang ng ilog nagtayo ng pamayanan ang mga Ehipsiyo.
- Ang biyayang hatid ng ilog ay nagdala ng pag-unlad sa Egypt kaya inilarawan ng Griyegong historyador na si Herodotus na ang Egypt ay “handog ng Nile”.

Simula ng Kabihasnan ng Egypt

Menes
- Sa simula, nahahati ang Egypt sa dalawang kaharian - ang Upper Egypt at ang Lower Egypt.
- Isang pinuno ng Upper Egypt, na sumakop sa Lower Egypt para magbigay daan upang mapag-isa at magbuklod ang dalawang kaharian.
- Itinatag ni Menes ang kabisera sa Memphis at itinaguyod ang unang dinastiya sa Egypt.

Ang Lumang Kaharian


Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayo ng mga piramide sa Egypt na nagsilbing libingan ng mga pharaoh. Ang mga pyramids na ito ay nagsilbi ring monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh.
- Ang unang piramide ay ang kay paraon Djoser na bai-baitang ang disenyo na matatagpuan sa Saqqara. Ang mga sumonod na paraon ay nagpatayo pa ng mga piramide na higit na malaki sa pinalitan nilang paraon.
- Nagwakas ang Limang Kaharian dulot ng magkakaugnay na sularanin tulad ng kakulangan ng pagkain dahil sa tagtuyot, magastos na halaga ng pagtatayo ng piramide, at agawan sa kapangyarihan ng mga maharlika na humantong sa pagkakahati ng Egypt sa maliliit na kaharian.



Gitnang Kaharian
- Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Haring Mentuhotep II. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang lupain. Nalipat ang kabisera sa Lower Egypt. 
- Kalaunan, sa silangang bahagi ng Egypt ay may mga naitayong pamayanang Hyksos. Ang mga Hyksos ay ang migrante mula sa Palestine na may angking kaalaman sa pagagamit ng mga chariot at pagpapanday ng bronse para gawing sandata.

Bagong Kaharian
- Nagsimula ang Bagong Kaharian sa paghahari ng Ahmose I. Binuo muli ni Ahmose I ang Egypt sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes.
Reyna Hatsehpsut

 – Asawa ni Thutmose II at kilala rin bilang isa sa mahuhusay na babaing pinuno sa kasaysayan.
- Unang babaeng paraon  na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa loob ng sa loob ng 19 na taon.
- Humalili sa kaniya si Thutmose III na pinalaki pa ang teritoryo nang sakupin ang hukbong Ehipsiyo.


Mummification


- Proseso ng pag-embalsamo  ng katawan ng patay upang hindi mabulok.

Hieroglyphics

- Ito ay ang sistema ng pagsulat ng mga Ehipto.
- Ang mga larawan ay naging katumbas na ng mga tunog.



"Kabihasnan sa India"
India - ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na napapaligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga,Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa kanluran. 
- Ito'y may lawak na 3,185,018.83 km/ 5124695.29747milya. 
- Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa Talampas ng Tibet. 

Unang Kabihasnan

Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.

Upanishads 
- Ang Upanishads ay kalipunan ng diyalogo ng isang guro at mag-aaral.
- Patungkol ang mga diyalogong ito sa mga paraan kung paano makakamit ng tao ang paglaya niya mula sa pagdurusa.

Buddhismo
- Ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni.
 -Ang kaliwanaganni Buddha ay nakabatay sa "Apat na Dakilang Katotohanan"
 1. Ang buhay ay puno ng pagdurusa at kalungkutan.
 2. Ang dahilan ng pagdurusa ay ang paghahangad at pagnanasa ng taosa mga materyal na bagay.
 3. Ang pagwawaksi sa pagnanasa ay kailangan upang mawakasan ang pagdurusa.
 4. Ang pagkakamit ng nirvana ay sa pagtahak sa daan ng Eightfold Path o Middle Way.
-Ang nilalaman ng Eightfold Path ay:
 1. Wastong pananaw
 2. Wastong hangarin
 3. Wastong pananalita
 4. Wastong kasalanan
 5. Wastong pamumuhay
 6. Wastong pag-susumikap
 7. Wastong pag-iisip
 8. Wastong pag-mumuni-muni

Jainismo 
- Ay isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India
 -Karamihan ng mga tagasunod ng Jainismo ay monghe na inaasahang susunod sa limang gabay ng pamumuhay.
  1. Ahimsa- pamumuhayngpayapa at pagwaksi sa kaharasan sa anumang may bagay.
  2. Satya- pagpapahalaga sa pagsasabing katotohanan.
  3. Asteya- pag-iwas sa pagnanakaw.
  4. Brahma-charya- pag-iwas sa aunumang gawain at pag-iisip namaka-mundo.
  5. Aparigraha- paglayo sa hangarin ng pagkakaroon ng kaligayahang materyal.


Imperyong Maurya 
Pagkaraan ng Kabihasnang Indus, nag-kanyakanya ang mga tao at nagtayo ng mga maliliit na kaharian. Ang mga kaharian na ito na pinag-isa noong ika-3 siglo BCE bilang Imperyong Maurya na itinatag ni Chandragupta Maurya at umunlad sa pamamahala ni Dakilang Asoka. 

-Karamihan ng mga tagasunod ng Jainismo ay monghe na inaasahang susunod sa limang gabay ng pamumuhay.
  1. Ahimsa- pamumuhayngpayapa at pagwaksi sa kaharasan sa anumang may bagay.
  2. Satya- pagpapahalaga sa pagsasabing katotohanan.
  3. Asteya- pag-iwas sa pagnanakaw.
  4. Brahma-charya- pag-iwas sa aunumang gawain at pag-iisip namaka-mundo.
  5. Aparigraha- paglayo sa hangarin ng pagkakaroon ng kaligayahang materyal.

Imperyong Gupto
- Mula kay Chandra Gupta at sa mga humaliling hari pagkatapos niya, nakaranas ang imperyo ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan.
- Pagsapit ng huling bahagi ng ika-5 siglo CE, pawang mahihina ang sumunod na mga haring Gupta. Napabayaan ang hukbong sandatahan at depensa ng imperyo dahilan upang masakop ang mga lalawigan nito ng mga mananalakay na mula sa Gitnang Asya. Humantong ito sa pagkakawatak-watak ng imperyong Gupta sa maliliit na kaharian.



"Kabihasnan sa China"
- Sa lambak sa pagitan ng mga ilog nh Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China.

Mga Unang Dinastiya

Dinastiyang Hsai
Pinag-isa nito ang pamayanan sa paligid ng Huang Ho.
- Ang unang hari nito ay si Yu, isang inhinyero at matematiko.

Dinastiang Shang
- Pumalit ito sa dinastiyang Hsia noong 1500 BCE.
- Ang tatlong pangunahing katangiang paghahari ang mga Shang ay ang
  - pag-uumpisa ng pag-sulat  - kaalaman sa paggamit ng bronse  - ang pag-aantas ng lipunan.

Dinastiyang Zhou
- Noong taong 1027 BCE, napatalsik ng mga Zhou ang dinastiyang Zhou. Bilang pagpapatibay ng kanilang pamamahala, ipinagtuloy nila ang konsepto ng Tian Ming o "mandato ng langit' na ang hari ang kinikilalang katawan ng langit sa mundo.

Dinastiyang Qin
- Ang nagtagumpay sa mga nagdidigmaang estado ay ang dinastiyang Qin na pumalit sa dinastiyang Zhou. 
- Tinawag ng pinuno ng Qin ang kaniyang sarili na Shi Huangdi sa nangangahulugang unang emperador.
- Noong 202 BCE, tatlong taon matapos mamatay si Shi Huangdi, bumagsak ang dinastiya nang mag-alsa ang mga tao. 

Pilisopiyang Lumitaw sa Huling Dalawang Dinastiya 

Confucianismo
- Si Confucius ay ipinanganak noong 551 BCE, sa panahon na ang dinastiyang Zhou ay unti-unting nawawasak dahil sa digmaan ng mga estado.
 - Namuhay siya bilang isang iskolar at ayon sa kaniyang pag-aaral, dapat taglayin ng bawat isang  jen o ang kabutihan at pagmamahal sa kapuwa.
- Maipapakita ng jen sa pagsasaayos ng limang ugnayan sa kapuwa na dapat tuparin ng mga Tsino upang magkaroon ng kaayusan, kapayapaan, at mabuting pamamahla. Ang mga ito ay mga sumusunod:
  1. Ugnayan ng pinuno at mamayan
  2. Ugnayan ng ama at anak
  3. Ugnayan ng mag-asawa
  4. Ugnayan ng matandang kapatid sa nakakabata
  5. Ugnayan ng magkaibigan

Taoismo 

- Isa pang pilosopiya na sumisibol sa China ay ang Taoismo.
- Naniniwala si Lao-Tzu na ang pinakamahalagang gawain upang makamit ang kaayusan at kapayapaan ay ang pagpaubaya sanatural na takbo ng kalikasan.
- Ayon sa kanyang aklat na Tao Te Ching, mayroong puwersa ng kalikasan na namamahala sa lahat ng mga bagay sa mundo.Ito ay tinatawag naTao o "landas"

Legalismo 
Sina Hanfeizi at Li Su ay dalawa sa mga nagsulongng pilosopiyang ito, ang malakas at mahusay na pamahalaan ang susi sa pagpapanatili ng kaayusan.


"Iba pang Kabihasnan sa Asya"
Hitito
- Nagmula sa mga damuhan ng Gitang Asya ang mga Hitito.
- Noong 1650 BCE, nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass.
- Sa loob ng 450 taon, naging makapangyarihan ang mga Hitito sa Kanlurang Asya.
- Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga Hitito.
  - Ang una ay ang paggamit ng mabibilis na chariot
  - Ang ikalawa ay kanilang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang gawing pana, palaso, palakol at espada.
  
Pheniciano
Ang mga Phoeniciano, kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko, ay nananahan sa mauunlad na lungsod-estado samay baybayin ng dagat Medditeraneo.
- Mahuhusay silang manggagawa ng ng barko, manlalayag, at mangangakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sidon, Tyre, Beirut, at Byblos.
- Iba't ibang produkto ang ikinakalakal ngmga Phoeniciano tulad ng bakal, garing, at purple dye na mula sa Murex snail.
-Nakikipagpalitan din sila ng mga alipin.
- Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga pagbabago sa paggamit ng alpabetong sinimulan ng mga Phoeniciano.

Persyano
             
- Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran.
- Kabilang ang mga persyano sa lahing Indo-Aryano.
- Ang salitang Persia ay halaw sa katagang Persis, bansag ng mga Griyego sa lugar na iypn.
 - Itinuturing na isa ang imperyong Persyano sa pinakamalaking imperyo noong panahongiyon sapagkat nagawa nilang napalawak ang kanilang territoryo na umabot ng tatlong kontinente:
  - Asya  - Africa  - Europe



"Ang Mga Kabihasnan ng Amerika"
- Matatagpuan ang mga kontinente ng North Amerika at South Amerika sa pagitan ng dalawang malalawak na karagatan, ang Karagatang Pasipiko at Karagatang Atlantiko.

Olmec
- Mga taong goma(rubber people) ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Mexico noong 1200 .
- Ang base culture ng Amerika dahil ang kanilang mga naimbento at nilikhang kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga sumunod na kabihasanan.
- Nakasentro sa trlihiyon ang buhay ng mga Olmec. 

Teotihuacano

- Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga Diyos"o Teotihuacan.
- Ang Teotihuacan ay kinikilala bilang unang lungsod sa America.
- Mula 100 C.E., ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka, artisano, arkitekto, at musikero.
- Mapayapa ang pamumuhay ng mga Teotihuacano na nakasentro lamang sa pagsasaka, kalakalan, at relihiyon.
- Sinasamba ng mga Teotihuacano ang diyos na si Quetzalcoatl o ang tinaguriang Feathered Serpent.

Mayan
Nagsimulang sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang diyos.
- Mula rito, lumaki ang mga pamayanan at naging mga lungsodtulad ng Tikal, Copan, Uxmal, at Chicken Itza na matatagpuansa katimugang Mexico at sa Gitnang Amerika.
- Nasa pinakamataas na antas ng lipunan ang mga maharlika na namamahala sa mga mamamayan ng lungsod. Tinatawag na halach uinic ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo

Cenote
- Isang malalim na balon, bilang sakripisyo sa kanilang mga diyos.
- Ang mga pari ang namumuno sa mga seremonya ng pag-aalay

Pyramid of the Jaguar
- Matatagpuan sa Tikal.
- Isang piramide ng mga Mayan na pinadarausan ng mga seremonya  ng pag-aalay sa kanilang mha diyos. 
- Ito ay mataas na templo na nagsisilbi ring monumento at musoleo ng kanilang mga pinuno.

Aztec
- Nagmula sa hilagang Mexico ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexica.
- Itinuturing na extractive empire  ang pamamahala ng mga Aztec.
- Sa lungsod ng Tenochitlan matatagpuan ang mga templo para sa maraming diyos ng mga Aztec.
- Tinularan ng mga Aztec ang mga Mayan sa paglikha nila ng kalendaryo.

Inca
Sa South America, sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes.
- Umabot ang territoryong sakop nito sa Peru, Bolivia, Ecuador at mga bahagi ng Chile at Argentina.
- Nag simula sa isang maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco ang mga Inca.
- Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, lumawak ang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo sila ng isang imperyo.



"Kabihasnan sa Africa"
 - Ay ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig, na nagtataglay ng iba't-ibang uri ng pamumuhay ng mga tiga rito. 

Nok
- Isa sa mga sinaunang kultura na nanirahan sa Nigeria mula 500 B.C.E. hanggang 200 B.C.E.
- Sila ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa bahaging iyon ng Africa.

Kushite
- Sa mahigit 2000 taon, napasailalim sa kapangyarihan ng mga Ehipsiyo ang rehiyon ng Nubia(ngayon  ay Sudan) na matatagpuan sa katimugang Ilog Nile.
- Kinikilala si Haring Pianki bilang unang pinuno ng imperyong Kushite.

Aksumite
- Ayon sa alamat, ang pagkakatatag ng kaharianng aksum ay pinagsimulan ng anak ng Reyna ng sheba at haring soloman ng Israel.
- Ang kaharian ng Aksum ay matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng Africa.
- Tinawag na cosmolitan ang kultura ng mga Aksumite sanhi ng kanilang pakikipagugnayan at pagiging  bukas sa impluwensiya ng mga dayuhan.
- Ang kaharian ng Aksum ay tumagal hanggang 800 taon.
- Humina ang kaharian sanhi ng mga mananakop na Muslim.

Ghana
- Ang mga mamamayan ng Ghana ay tinatawag ng Soninke.
- Lumago sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil lokasyon nito bilang isang sagandaan ng kalakalan sa Africa.
- Noong 1054, ang mga Almoravid ng Morocco ang sumalakay sa kaharian. Bunsod nito, unti-unting humiwalay ang ilang maliliit na estado na lubusang nagpahina sa imperyo.

Mali
- Taong 1235 nang lumitaw ang kaharian ng Mali na mula sa anino ng Ghana.
- Ang unang mansi o emperador ng Mali ay si Sundiata.
- Isa pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa.
   
Songhai
- Isang pangkat ng mga tao na humiwalay sa imperyo ng Mali.
- Sila ang mga Songhai na bumuo ng isang hukbo, nagpalawak ng teritoryo, at mula sa kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan.
- Isa sa natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali.
- Ang nagpabagsak sa imperyo ng Songhai ay ang kakulangan nito sa makabagong armas. Noong 1591, sinalakay ng mga Moroccan ang imperyo gamit ang mga baril at kanyon. Sa huli, matagumpay na nasakop ng mga Moroccan ang Songhai.

Hausa
- Dating sakop ng mga Songhai.
- Nakamit lang nila ang kanilang kasarinlan nang humina ang imperyong Songhai.

Benin 
- Itinayo ang kaharian ng Benin sa pampang ng Ilog Niger.
- Lumaki ang sakop ng kaharian sa pangunguna ni Haring Ewuare.



"Kabihasnan sa Pasipiko"

Polynesia
- Ay binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko hanggang sa New Zealand.
- Galing sa Griyegong polus na nangangahulugang "marami" at nesos na nangangahulugang "pulo".
- Sakop nito ang malaking triyangulong teritoryo mula sa Hawaii sa hilagang-silangan, patungo sa Easter Island sa timong-silangan, at sa New Zealand sa kanluran.

Micronesia
 
- Ay bahagi ng Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas.
- Galing sa Griyegong mikros na nangunguluhugang "maliit" at nesos na nangangahulugang "mga pulo".
- Galing sa lahing Austronesyano na nanggaling sa Timog China at Formosa.

Melanesia
- Matatagpuan sa Kanlurang Pasipiko.
- Galing sa Griyegong na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos.



2 komento: